Hindi pa rin aalisin ang idineklarang Martial Law sa buong Mindanao.
Ayon ito kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla sa gitna na rin nang patuloy na pagliit ng bilang ng mga teroristang Maute na nakikipag bakbakan sa mga sundalo sa Marawi City.
Sinabi ni Padilla na malawak ang network ng Maute Group na may puwersa rin sa ilang lugar sa Lanao, Maguindanao at Sulu.
Marami pa aniyang dapat gawin ang gobyerno at marami pang mga lugar ang dapat i ayos kayat kailangan pa ng militar ang martial law.
Ayon kay Padilla maraming armas ang grupo at kapag hindi ito nabawi ng gobyerno ay maaaring magsanib ang mga maliliit na grupo at tularan ang ginawa sa Marawi City.
Magugunitang pinalawig pa hanggang December 31 ang Martial Law sa Mindanao dahil hindi pa na neutralize ang lahat ng miyembro ng grupong sumalakay sa Marawi City.
By Judith Larino / (Ulat ni Aileen Taliping)