Kinontra ni PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga panawagang dalhin sa Iloilo City si Chief Inspector Jovie Espenido na hepe ngayon ng Ozamiz City PNP.
Sinabi ni Dela Rosa na mananatili muna sa Ozamiz City si Espenido para ayusin ang marami pang problema sa lungsod.
Ayon pa kay Dela Rosa hindi na kailangang dalhin sa Iloilo si Espenido para sugpuin ang iligal na droga dahil maraming Ilonggong pulis ang kayang gawin ang ginawa ng opisyal sa mga Parojinog.
By Judith Larino