Sugatan ang pitong sundalo matapos masabugan ng IED o improvised explosive device sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Lieutenant General Carlito Galvez, hepe ng Western Mindanao Command, dalawa sa pitong sundalo ang posibleng maputulan ng paa dahil sa nangyaring pagsabog.
Idinagdag ni Galvez na tinanggal na sa frontline ang pitong miyembro ng tropa ng pamahalaan.
Samantala narekober at na-detonate na ng militar ang higit na isang libo at dalawandaang (1,200) IED sa mga gusali at bahay na pinagkutaan ng grupong Maute.
Ilan sa mga nakitang gamit ng mga terorista ay malalaking uri ng military ordinance, mga bala ng kanyon at bomba mula sa eroplano at mga kanyon na ginagawang main charge.
By Arianne Palma