Lalarga na ang Metro Manila Earthquake Drill ngayong araw.
Inaasahang makikiisa sa drill ang mga eskwelahan, business establishments, at iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Magsisimula ang shake drill mula alas-10:30 hanggang alas-11:30 ng gabi sa kalakhang Maynila.
Sinasabing aabot sa 7 milyong indibidwal ang makikilahok sa naturang drill.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ipakikita ang scenario ng epekto ng posibleng pagtama ng 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila tulad ng sunog, pagbagsak ng gusali at debris, at pagkasugat ng mga tao.
Magiging hudyat ng pagsisimula ng drill ang 45 seconds na tunog ng mga kampana ng simbahan, emergency sirens at text blast mula sa National Telecommunications Commission o NTC.
Inaabisuhan ang mga motorista na huminto sa loob ng 45 seconds.
Magsisilbing evacuation centers ang Intramuros golf course, Veterans golf course, LRT-2 Santolan Depot at Villamor golf course.
Ipapakita rin ang mga scenario ng pagbiyahe ng mga biktima gamit ang Pasig river ferry, pagbagsak ng gusali sa Megamall, high-ladder rescue operations, paglilikas sa mga residente ng mga condominium, at seaborn medical evacuation.
Ang mga nasa bahay maman ay hinikayat ng MMDA na makiisa sa drill sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “drop, cover at hold” drill sa mga tinukoy na oras.
Sa kabila naman ng metrowide shake drill ay magpapatuloy pa rin ang operasyon ng MRT at LRT.
By Jelbert Perdez