Mahigpit na tinututukan ng embahada ng Pilipinas sa South Korea ang sitwasyon hinggil sa nangyaring tensyon sa Korean Peninsula.
Ayon kay Philippine Ambassador to SoKor Raul Hernandez, sa katunayan, naglatag na sila ng mga lugar kung saan isasakay ang mga Pilipino sakaling magkasa sila ng paglilikas.
Regular din aniyang nagpupulong ang mga opisyal ng embahada kasama ang Pinoy community leaders upang magbigay update hinggil sa ginawa nilang contingency measures.
Nagtakda na rin ang embahada ng exit points na siyang daraanan ng mga ililikas na mga Pilipino palabas ng SoKor sa sandaling kailanganin.
By Jaymark Dagala