Kinastigo ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si NEDA o National Economic Development Auhtority Secretary Ernesto Pernia.
Ito’y makaraang ilang ulit sabihin ni Pernia sa DBCC o Development Budget Coordinating Committee na naka-aapekto aniya sa katatagan ng ekonomiya ng bansa ang mga political noise na tila patama umano sa mga nasa oposisyon.
Dahil dito, sinabi ni Drilon na dapat maghinay-hinay si Pernia sa kaniyang mga pananalita lalo’t malinaw aniyang pinasasaringan nito ang oposisyon dahil sa mga ginagawang pagpuna nito sa administrasyon.
Matagal nang pinaghihinalaan ng administrasyon ang mga miyembro ng oposisyon partikular na ang mga taga-Liberal Party na nasa likod umano ng pagpapabagsak sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.