Hindi na itutuloy ng Department of Health (DOH) ang school-based vaccinations laban sa cervical cancer para sa Grade 4 students.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, ipinag-utos niya ang pagpapatigil sa bakuna laban sa Human Papilloma Virus (HPV) bunsod ng pagtutol ng ilang sektor.
Sinasabing nangangamba ang ilang sektor na ang naturang bakuna ay magdudulot ng promiscuity o pagkakaroon ng multiple sexual partners at pakikipagtalik sa murang edad.
Dahil dito, sinabi ni Garin na sa halip na bakunahan ang 300,000 Grade 4 students sa mga paaralan sa mga mahihirap na lugar ay ipapamahagi na lamang ang mga vaccine sa mga health center.
By Jelbert Perdez