Muling inupakan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagpakakalat ng tsismis na may tago umano siyang yaman.
Bagaman hindi direktang tinukoy si Senador Antonio Trillanes na unang nagsiwalat sa mga tago umanong yaman sa bangko ni Duterte, pinasaringan naman ng punong ehekutibo ang isang media entity.
Hinamon pa ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kritiko maging ang nasabing media entity na hanapin ang kanyang Bilyun-Bilyong Piso sa bangko.
Pinalagan din ng Pangulo ang batikos sa kanyang pamba-babae na hindi naman na anya dapat pang kalkalin dahil personal na niya itong issue.