Maaaring masuspinde ang mga alkaldeng mabibigong sugpuin ang illegal drugs operation sa kanilang mga hurisdiksyon.
Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa 19th Anniversary ng Volunteers Against Crime and Corruption.
Ayon kay Pangulong Duterte, walang karapatan ang mga Mayor na magkaroon ng control sa lokal na pulisya kung hindi naman kakayanin ng mga ito na sugpuin ang iligal na droga.
Bukod sa mga alkalde, may babala rin ang Pangulo sa mga Human Rights Advocate na nakikipag-sabwatan sa mga drug syndicate.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino