Nakasungkit ng bronze medal ang archery team ng Pilipinas sa pagpapatuloy na 29th Southeast Asian o Sea Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Tinalo ng koponan ng Pilipinas ang bansang Vietnam sa men’s archery sa pangunguna ni Paul Marton Dela Cruz, Joseph Benjamin Vicencio at Earl Benjamin Yap.
Magugunitang napagwagian din ni Dela Cruz ang individual action category noong Miyerkules kaya’t dalawa na ang nakukuhang bronze medal ng bansa.
Kasunod nito, muli na namang sasabak sa labanan ang naturang koponan bukas, Agosto 18 para sa mixed category.