Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahanda para sa ilalargang reconstruction at recovery ng Marawi City.
Sa pulong kasama ang mga pinuno ng Department of Trade and Industry (DTI), Departm,ent of Social Welfare and Developmet (DSWD), Department of National Defense (DND), Housing and Urban Development Coordination Council at National Housing Authority (NHA), kanilang tinalakay ang rehabilitation phase na gagawin sa Marawi City.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa sandaling matapos na ang giyera sa naturang lungsod ay agad na sisimulan ang rehabilitasyon.
Sa naturang pulong ay iniulat ni NHA General Manager Marcelino Escalada na kanila nang sisismulan ang pagpapatayo ng mga temporary shelter para sa halos 5,000 mga pamilya na nasa evacuation center sa Setyembre.
Sinabi naman ni DTI Secretary Ramon Lopez na nakakita na sila ng lugar sa iligan City na maaaring gawing temporary market place para sa mga bakwit na nais magsimula ng negosyo at makabawi sa kanilang mga nasirang kabuhayan.