Humihingi na ng 100 milyong piso sa Pangulong Rodrigo Duterte si Agriculture Secretary Manny Piñol.
Ang nasabing pondo, ayon kay Piñol ay bilang tulong sa poultry farms sa Pampanga na makarekober mula sa bird flu virus outbreak.
Sinabi ni Piñol na nakausap na niya ang Pangulo at binigyan niya ito ng briefing kaugnay sa sitwasyon ng mga apektadong poultry farms.
Inaprubahan na aniya ng Pangulo ang hinihingi niyang paunang pondo na mula sa 50 million pesos subalit pinagsusumite pa siya ng work plan sa paggastos sa nasabing pondo.
DA maglalabas ng mahigit P30-M pondo para sa poultry farmers sa Pampanga
Ipalalabas na sa susunod na linggo ang 31 million pesos na pondo para tulungan ang poultry farmers sa Pampanga na apektado ng bird flu virus outbreak.
Tiniyak ito ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na nagsabing priority nilang bayaran ang lahat ng mga nag depopulate na farms.
Ang nasabing pondo, ayon kay Piñol ay huhugutin nila sa calamity at quick response funds ng ahensya.
Sinabi ni Piñol na bahala na si Department of Agriculture o DA – Regional Field Office 3 Director Roy Abaya na mangasiwa sa pondo na pagkukuhanan din ng budget para sa loaning program.
Shipment permit sa 19 kilo ng manok na naharang sa CDO inaaral na ng DA
Hinihintay na lamang ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ng kaniyang mga tauhan.
Kaugnay ito sa pagkakalusot ng 19 na kilo ng karne ng manok mula sa lalawigan ng Bulacan na naharang sa pantalan ng Cagayan de Oro City sa Mindanao.
Kasunod nito, sinabi ng kalihim na pinag-aaralan na rin nila ang mga inilabas na shipment permit sa mga naturang manok dahil posibleng pinayagan ito bago mailabas ang shipment ban noong Agosto 11.
Gayunman, nilinaw ng kalihim na nananatiling naka-hold ang nasabing shipment sa nasabing pantalan at tiniyak na may mananagot sakaling mapatunayang may paglabag.