Nanawagan ng transparency si Vice President Leni Robredo sa proseso ng Commission on Appointments (CA) na nagbasura sa appointment ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.
Sinabi ni Robredo na nais niyang malaman kung ano ang dahilan ng CA sa pag-reject kay Taguiwalo.
Umapela rin si Robredo sa publiko na iparamdam sa CA ang pagka-dismaya sa proseso para maipaalala sa mga ito na hindi dapat inaabuso ang ibinigay na kapangyarihan o mandato sa kanila.
Gayunman, nilinaw ni Robredo na iginagalang niya ang desisyon ng CA dahil bahagi ito aniya ng check and balance sa demokrasya ng bansa.
Robredo kinundena ang madugong operasyon ng pulisya sa Bulacan at Maynila
Hinimok ni Vice President Leni Robredo na ipakita ang galit sa madudugong operasyon ng pulisya sa kampanya kontra iligal na droga.
Kasunod ito ng mataas na bilang ng mga nasasawing suspek sa ilang araw na operasyon ng mga otoridad partikular sa Bulacan at lungsod ng Maynila.
Ang mga naturang operasyon, ayon kay Robredo ay tila pagpapahiwatig na inilalagay na ng ilang tao sa kanilang kamay ang batas.
Sinabi ni Robredo na sang-ayon naman siyang panagutin ang mga nagkasalang tao subalit dapat aniyang idaan ito sa tamang proseso at huwag hayaang makabalik ang culture of impunity.