Pinayuhan ng Manila International Airport Authority o MIAA, ang mga bibiyahe ngayong araw na agahan ang pagpunta sa airports.
Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado, ito ay dahil inaasahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko kasunod ng isasagawang metrowide shake drill.
Ipinaliwanag ni Honrado na maliban sa mga aktibidad na inihanda sa Villamor Air Base at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA,) marami din hotel sa paligid ng airport na makikisama sa shake drill.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)