Walang dapat ikaalarma sa pagtaas ng bilang mga napapatay sa giyera ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ito ay ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa kasabay ng pagsasabing normal lamang na nangyayaring ang mga patayan dahil malawak ang ikinakasang operasyon kung saan maraming pulis ang nagtatrabaho.
Iginiit ni Dela Rosa, mas nakakaalarma aniya ang patuloy na pagkalat ng droga sa lansangan kung walang naarestong mga drug pushers.
Dagdag pa ni Dela Rosa, hindi dapat ikagulat kung may namamatay na mga nanlalabang mga suspek.
Kabataan Party-list nagsagawa ng Black Friday Protest
Nagsagawa ng black friday protest ang Kabataan Party-list bilang pagkundena sa patuloy na pagdami ng mga hinihinalang biktima ng EJK o extra judicial killing sa bansa.
Ito ay kasunod na rin ng halos araw-araw na balita hinggil sa mataas na bilang ng mga namamatay sa mga isinagawang operasyon ng pulisya kung saan isang menor de edad pa ang nasawi.
Ayon kay Party-list Representative Sarah Elago, hindi maaaring magpatuloy ang nagaganap na sistema sa kampanya kontra droga ng pamahalaan kung saan napapatay ang mga hinihinala pa lamang na drug suspects.
Iginiit pa ni Elago na dapat dumaan sa due process ang mga nadadakip na suspek at hindi basta na lamang patayin at palabasin na nanlaban.