Aminado ang aktor at host na si Vhong Navarro na bilib siya sa galing sa komedya ni Lovi Poe.
Ayon kay Vhong, napahanga talaga siya ni Lovi sa husay ng aktres magpatawa sa pelikula nilang “Woke Up Like This” kung saan kasama nila sa cast ang “Pinoy Big Brother” housemate na si Cora Waddell.
Sa movie ay ginampanan ni Vhong ang karakter ni Nando na hari ng hardcourt habang si Lovi naman bilang si Sabrina na isang supermodel.
Magbabago ang ikot ng mundo ng dalawang karakter makaraang magpalit ang kanilang katawan.
By Gilbert Perdez