Mahigpit na ring binabantayan ng Department of Health o DOH ang bagong kaso ng bird flu sa Nueva Ecija.
Ayon kay Health Spokesman Dr. Eric Tayag, bumuo na ng team ang DOH para magtungo sa mga bayan ng Jaen at San Isidro na silang magbabantay sa kalagayan ng mga poultry workers sa lugar.
Sinabi ni Tayag na wala pa rin namang dapat ikabahala sa kasalukuyan ang publiko dahil sa patuloy naman aniya ang kanilang monitoring.
Maliban dito, wala pa rin aniyang naitatalang kaso ng nahawaang tao dahil sa bird flu.
By Ralph Obina