Inihayag ng Deparment of Agriculture o DA na under control na ang sitwasyon ng bird flu outbreak sa mga apektadong probinsya.
Ayon kay DA Undersecretary for Operations Ariel Cayanan, na-contain na ang sitwasyon sa San Luis, Pampanga kung saan unang naitala ang kaso ng avian flu.
Inaasahan aniya nilang makukumpleto sa lalong madaling panahon ang chicken depopulation sa loob ng one-kilometer quarantine zone sa bayan ng San Luis, katuwang ang Bureau of Animal industry, Local Government Units, Office of Civil Defense at maging ang pulis at militar.
Idinagdag pa ni Cayanan na kung wala nang recurrence, sisimulan na nila ang pag-iimbentaryo, at sa loob ng 90-araw, posible nang maideklara na ligtas na tayo sa bird flu.
Culling
Natapos na ang pagkatay sa may 200,000 manok, itik at pugo sa loob ng 7 kilometer radius ng Pampanga.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kinabibilangan ito ng 29 na mga farm.
Sunod namang gagawin ng mga tauhan ng DA ay ang paglilinis o pagdidis-infect sa bayan ng San Luis at doon maghihintay ng 21-araw.
Matatandaang dalawang barangay ang tinamaan ng outbreak ng avian influenza sa San Luis.
By Meann Tanbio / Ralph Obina