Matagal-tagal nang hindi nakakapiling ni James Yap ang anak niya kay Kris Aquino na si Bimby.
Ayon kay James, walong buwan na niyang hindi nakikita si Bimby.
Mayroon aniya siyang visitation rights sa anak na iginawad ng korte, pero hindi ito nasusunod.
Umaasa ang basketbolista na pagdating ng araw ay maaayos din ang relasyon nila ni Bimby.
Nahihirapan aniya siya na ipilit ang sarili sa anak na ramdam na niyang ayaw sa kanya.
By Meann Tanbio