Umakyat na sa 14 ang nasawi sa pag-atake sa Barcelona Spain.
Ito ay matapos pumanaw ang isang babae na kabilang sa mga sugatang dinala sa ospital matapos ang pananagasa ng isang van sa mga tao sa kalsada.
Kabilang sa mga naitalang nasugatan ang apat na miyembro ng pamilya na pawang nanirahan na sa Ireland at nasa Barcelona lamang para magbakasyon.
Samantala, kinumpirma ng DFA o Department of Foreign Affairs na isa pang Pinay ang nasa malubhang kalagayan matapos masugatan sa pag-atake at kasalukuyang pinaghahanap ang kanyang nawawalang 7-taong gulang na anak.
Bukod dito, isa na namang panibagong tangkang pag-atake ang naganap sa Cabrils, sa timog bahagi ng Barcelona.
Ayon sa Spanish Police officers, maglulunsad umano sana ng hiwalay na terror attack ang 5 hihininalang terorista ngunit mabilis na nakaresponde ang mga pulis.
Sugatan ang limang sibilyan at isang police officer sa naganap na ikalawang pag-atake.
Samantala, agad na napatay ng mga pulis ang limang hinihinalang terorista na armado ng bomb belts.
By Arianne Palma