Negatibo sa avian virus ang mga manggagawa sa mga poultry farm na may kaso ng bird flu sa Jaen, Nueva Ecija.
Ayon kay Jaen, Nueva Ecija Mayor Sylvia Austria, walang nakikitang sintomas ng influenza ang mga trabahador sa farm.
Bukod dito, sinuri rin ang kapaligiran sa lugar at negatibo ang lahat ng nakatira malapit dito.
Tiniyak ng alkalde na nagsasagawa sila ng precautionary measure kasunod ng panibagong kaso ng bird flu sa Jaen.
By Arianne Palma