Magkakaroon ng encounter ang daigdig sa pagdaan malapit sa mundo ng isang malaking asteroid na may pangalang Florence sa Setyembre 1.
Ang nasabing asteroid na may sukat na halos apat na kilometro ayon sa NASA o National Aeronautics and Space Administration ay babagtas sa layong 4.4 million miles o katumbas ng 18 ulit na distansya sa pagitan ng buwan at mundo.
Bagamat nakaka-alarma ang distansya, sinabi ni Paul Chodas, manager ng Center for Near Earth Object Studies ng NASA na hindi naman ito magdudulot ng pinsala sa kahit saang panig ng ating daigdig.
Nilinaw ng NASA na hindi ito ang pinakamalapit na flyby ng isang foreign object sa mundo pero isa ito sa pinakamalaki.
Ang asteroid na si Florence ay unang nakita noong 1981 at mula noon ay binantayan na ang galaw nito sa kalawakan.