Ibinunyag ni Kapuso Host Regine Tolentino na wala siyang nakukuhang suporta mula sa dating asawang si Lander Vera Perez na hindi rin naman aniya niya nakakausap ng personal.
Sa gitna na rin ito nang paghihintay sa magiging desisyon ng Korte kaugnay sa annulment case nila ni Vera Perez.
Sinabi ng dancer-singer na dapat bigyan ng suporta ni Vera Perez ang kanilang mga anak.
Mabuti na lamang aniya ay hindi siya nawawalan ng trabaho kaya’t nasusuportahan niya ang kaniyang mga anak.
Nabatid na halos 18 taong nagsama sina Regine at Lander bago naghiwalay noong 2015 dahil sa umano’y psychological incapacity.