Magpapatawag si Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel ng caucus bukas, Agosto 20.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Pimentel na pag-uusapan dito ang serye ng pagpatay sa mga drug suspect.
Mahalaga aniyang mai-address ang isyung ito dahil talagang nakakaalarma na.
Kami sa majority, kami ay magkaka-caucus ngayong weekend.
Hindi na kami maghihintay ng Tuesday pa, kasi marami na nga ang nababahala.
Mag-usap muna kami kung ano ang mga saloobin nila.
Idinagdag ni Pimentel na dapat ilabas ng mga pulis ang kada folder ng mga biktima upang malaman ang detalye at hindi pawang conclusion lamang na nanlaban ‘di umano ang mga ito.
Siguro, para makita ng mga kapulisan natin na tayo ay seryoso talaga na imonitor ang kanilang mga kilos.
Isa-isahin natin ‘yan, ilabas nila ang kada-folder sa kada-biktima, sa kada-namatay, binatilyo man o hindi, bata man o matanda. Kasi lahat ‘yan kung namatay dahil sa police operation dapat mayroong report.
Daanan natin ‘yan isa-isa kada-folder, makikita natin kung pare-pareho ang mga salita na ginagamit.
Dapat kada-insidente eh unique ang kwento sa kadang namatay ng pulis kasi iba-iba naman ang kanilang lokasyon, iba-iba ang oras, iba’t iba ang mga baril, ang mga umaresto iba-iba.
So, isa-isahin natin ‘yan para malaman natin ang katotohanan.
Hindi na rin aniya nila hihintayin ang Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP – IAS) at Department of Justice (DOJ) para umaksyon dito, dahil silang mga senador ay plano nang silipin ang Oplan Double Barrel Reloaded para malaman kung paano ang implementasyon nito.
I-assume na lang namin na kailangan naming tingnan huwag na nating hintayin na Internal Affairs, DOJ.
Tingnan na rin po ng senado ‘yun kasi napakaraming senador ang nananawagan na silipin na itong Oplan Double Barrel Reloaded, paano ba ang implementasyon nyan?
At kung hindi na talaga maiiwasan, titingnan din natin ang regulasyon ng kapulisan, ano ba ang tinuturo nila sa kapulisan? Kailan po sila pwedeng gumamit ng baril o dahas.