Aabot sa Isang Daang mga bahay ang pinasok ng baha sa bahagi ng lupang Pangako, Barangay Payatas sa Quezon City.
Ito ay kasunod ng naranasang malakas na pag-uulan sa Metro Manila Sabado ng gabi.
Ayon sa ilang mga residente, nang mula ang tubig sa tambak ng basura sa katabing landfill at dumaloy pababa sa mga kabahayan.
Anila, biglaan ang pagtaas ng tubig dahilan kaya’t hindi na nila naisalba pa ang kanilang mga gamit at alagang hayop.
Samantala, sinabi ng PAGASA na asahan pa ang malalakas na pag-ulan na dulot ng Habagat na pinalalakas pa ng Bagyong “Isang” na namataan sa silangang bahagi ng Basco Batanes.