Lalong lumakas ang bagyong isang habang patuloy na kumikilos sa direksyon ng mataas na bahagi ng northern Luzon.
Inaasahang lalong lalapit ang bagyong Isang sa Batanes Group of Islands mamayang gabi o bukas ng umaga.
Katamtaman hanggang sa malakas na mga pag ulan ang inaasahang mararanasan sa mga lugar na nasa 300 kilometro ang layo sa pinaka-sentro ng bagyo.
Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, ang bagyong Isang ay may dalang hangin na aabot sa 80 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 97 kilometro bawat oras.
Signal no. 2 pa rin ang babala ng bagyo na nakataas sa grupo ng isla sa Batanes samantalang signal no. 1 sa Babuyan Group of Islands.
By Len Aguirre