Ibubunyag ni Senador Panfilo Lacson sa Miyerkules ang listahan ng mga opisyal ng Bureau of Customs o BOC na may kaugnayan sa mga smuggler.
Ayon kay Lacson, plano niya itong ibulgar sa kanyang privilege speech, sa halip na sa resumption ng Senate inquiry hinggil sa smuggling ng shabu na nagkakahalaga ng 6.4 billion pesos.
Ipinabatid ni Lacson na kabilang sa naturang listahan ang aniya’y “commonly mentioned” personalities.
By Meann Tanbio