Nailigtas ng mga otoridad ang isang Vietnamese na binihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan noong Nobyembre nang nakaraang taon.
Ayon sa Naval Forces Western Mindanao, kinilala ang nailigtas na biktima na si do Trung Huiqe, isa sa anim na tripulante ng mga MV Royal 16 na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Coco Island sa Basilan.
Si Do Trung ay nailigtas ng Joint Task Force Basilan kahapon, Agosto 20 at agad na dinala sa ospital para sumailalim sa medical check-up at debriefing process bago i-turn over sa kustodiya ng Vietnamese embassy.
Kasunod nito pinuri naman ni Naval Forces Western Mindanao Commander Rear Admiral Rene Medina ang mga tropa ng pamahalaan na nakapaglitas kay Do Trung at ang patuloy na pagsisikap ng mga ito na ubusin ang mga bandido.