Patay ang isang negosyante matapos barilin ng nag-iisang gunman sa Lipa City, Batangas.
Ayon Batangas Provincial Police Information Officer Senior Inspector Hazel Luma-ang, ang biktimang si Noel Olan ay nasa kanyang meat shop sa Barangay Marawoy nang lapitan ito ng salarin at paputukan sa ulo na agad ikinasawi nito.
Nakita naman sa crime scene ang tatlong empty shell ng kalibre 45 baril.
Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng salarin at motibo sa pagpatay.