Mahigit 23 tauhan ng Department of Education o DepEd ang bigong makuha ang kanilang retirement benefits.
Ito ayon kay DepEd Undersecretary Victoria Catibog ay dahil halos hindi pa sapat ang retirement pay ng mga naturang empleyado nila na pambayad sa kanilang mga loan.
Dahil dito ipinabatid ni Catibog ang pagbabago sa mga polisiyang ipinatutupad nila sa ilalim ng APDS o Automatic Payroll Deduction System program ng DepEd.
Batay sa pinakahuling data pumapalo sa halos 171 billion pesos ang outstanding loan receivables ng APDS Accredited PLI o Private Lending Institutions hanggang nitong December 31.
Dahil dito nakikipag-usap na ang DepEd sa ilang PLI’s para palawigin pa ang ilang serbisyo nila hinggil sa financial literacy sa mga teaching at non teaching personnel.
By Judith Larino
SMW: -RPE