Isinusulong ni Cotabato 3rd District Board Member Socrates Piñol ang pagtatayo ng animal quarantine checkpoints sa 7 entry points ng North Cotabato.
Ito ayon kay Piñol ay para maiwasan ang pagkalat ng avian influenza virus na una nang umatake sa lalawigan ng Pampanga.
Sinabi ni Piñol na kailangang maitayo ang checkpoints sa Tulunan, Cotabato hanggang Datu Paglas, Maguindanao Road Makilala, Cotabato at Brgy. Kinuskusan, Bansalan sa Davao Del Sur boundary ng Carmen, Cotabato at Maramag, Bukidnon Banisilan, Cotabato at Wao, Lanao del Sur.
Bukod pa ito sa Pigcawayan, Cotabato at Sultan Kudarat, Maguindanao Road at Riverside Midsayap, Cotabato at Datu Piang, Maguindanao Road.
Inihayag ni Piñol na ang quarantine checkpoints ay dapat itayo sa railroad stations.
Binigyang diin ni Piñol na papasulong na ang poultry industry ng lalawigan kayat hindi ito dapat madamay sa avian flu outbreak.
By Judith Larino
SMW: -RPE