Kinumpirma ng SPD o Southern Police District ang pagkakakumpiska ng Makati City Police sa 450 gramo ng hinihinalang shabu sa lungsod.
Sinasabing nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa isang abandonadong e-bike na may kasamang shabu na narekober ng mga barangay tanod sa Brgy. San Antonio.
Maliban sa 450 grams na hinihinalang shabu, nasabat din ang tatlong sachet ng marijuana at tatlong piraso ng ecstacy.
Inaresto naman ang Limang brgy. tanod na sina Alvin Notado, John Russel Ching, Diosadado Sta. Romana, Dennis Dalisay at Leo Dela Cruz dahil sa hindi pag-turn over sa pulisya ng nakumpiskang e-bike at droga.
Inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa mga naturang suspek.
By: Gilbert Perdez
SMW: -RPE