Tanging ang CCTV footage ang maituturing na pinakamalakas na ebidensya laban sa mga pulis na idinadawit sa pagpatay kay Kian Delos Santos.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng lumalakas na panawagan na imbestigahan sa Senado ang malagim na sinapit ng Grade 11 student.
Ayon sa Pangulo, sakaling mapatunayan na nagkasala ang mga pulis ay dapat lamang maparusahan ang mga ito.
Wala rin aniya siyang pakialam kung mawawalan siya ng suporta mula sa mga alagad ng batas kapag nadiin ang mga ito dahil ang mahalaga’y nagagawa ang tama at legal.
By Gilbert Perdez
SMW: -RPE