Namangha ang milyun-milyong tao sa Estados Unidos matapos matunghayan ang makasaysayang full solar eclipse.
Ngayon lang ulit nasilayan sa Amerika ang ganitong phenomenon makalipas ang halos isang siglo kung saan pinaghandaan itong maigi ng mamamayan at gumamit pa ng telescopes, cameras at protective glasses.
Nasaksihan ng mga tao ang pagbaba ng temperatura sa pagtakip ng buwan sa araw, pananahimik ng mga ibon at paglabas ng mga bituin kahit nangyari ito ng tanghali.
Tila naki-ayon din ang panahon nang mangyari ang solar eclipse dahil hindi naging maulap tulad ng pinangangambahan ng mga enthusiast.
Sa pagtaya ng NASA, pumalo sa 4.4 na milyong indibiduwal ang nanood sa kanilang TV coverage sa kalagitnaan ng eclipse na binansagang “biggest livestream event” sa kasaysayan ng ahensya.
Inaasahang sa taong 2024 pa muling magaganap ang susunod na total solar eclipse habang magkakaroon naman ng coast-to-coast sa 2045.
By Gilbert Perdez