Kasado na ang mas mahigpit na seguridad sa Mindanao State University sa pagbubukas nito ngayong araw.
Ito ay sa kabila pa rin ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at natitirang Maute-ISIS sa syudad.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, magtutuloy-tuloy ang kanilang pagbibigay seguridad sa mga estudyante ng MSU hanggang matiyak na wala nang kahit isang natitirang terorista sa Marawi City.
Umaasa rin si Padilla na sa tulong ng mga local government unit ay unit-unti nang manunumbalik sa normal na buhay ang estudyante at ang buong MSU community na nagulo matapos ang pag-atake sa Maute sa syudad.
By Rianne Briones