Nakumpleto na ang pagpatay sa may 208,000 manok at iba pang ibon sa bayan ng San Luis sa Pampanga bunsod ng bird flu outbreak doon.
Ayon kay San Luis Mayor Venancio Macapagal, nasa kabuuang 170,000 manok, 21,000 pato at 16,000 pugo ang sinintensyahan sa loob ng 1-kilometer diameter quarantine zone.
Batay sa tala ng Department of Agriculture, tinatayang nasa 600,000 ibon ang nakatakdang katayin sa buong lalawigan ng Pampanga.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng naturang avian influenza.
By Ralph Obina