Inamin ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa na hindi nakakulong ang tatlong pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos.
Sa kabila ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang tatlong pulis – Caloocan.
Ayon kay Dela Rosa, bago pa nag-utos ang Pangulo ay inilagay na nila agad sa restricted custody ng PNP NCRPO ang tatlong pulis para sa gagawing imbestigasyon.
Hindi na po sila kailangan arestuhin dahil right after the incident, the following day, naka-restricted custody na sila, nasa kostudiya na ng general commander ng NCRPO.
Hindi nakakulong, restricted custody lang.
“Courier man siya o hindi pero hindi dapat patayin kung hindi talaga nanlaban”
Itinanggi ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na pinaghinay-hinay niya ang giyera kontra droga dahil sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos.
Tiniyak ni Dela Rosa na hindi naapektuhan ng kontrobersya ang hangarin ng pamahalaan na mapuksa ang problema sa droga ng bansa.
Gayunman, aminado si Dela Rosa na sobra siyang nadismaya sa naging resulta ng kanilang masigasig na operasyon kontra droga nitong nakaraang linggo.
Matatandaan na maliban sa di umano’y pagpatay ng mga pulis kay Kian Loyd, nasa 70 katao ang napatay sa anti-drugs operations ng pulisya sa Bulacan at Metro Manila sa loob lamang ng dalawang araw.
Hindi ko masasabing blunder raw kasi hintayin talaga natin ‘yung result ng investigation pero ang masasabi ko lang is dismayado ako sa resulta ng operation dahil, bakit namatay ‘yung bata, ‘yung 17 years old.
Courier man siya o hindi pero hindi dapat patayin kung hindi talaga nanlaban.