Tiniyak ng PAO o Public Attorney’s Office na makakaasa ang pamilya ni Kian Loyd Delos Santos ng hustisya.
Ginawa ni Atty. Percida Acosta, hepe ng PAO ang pagtiyak matapos makita ang resulta ng re-autopsy sa labi ni Kian Loyd.
Binigyang diin ni Acosta na malinaw na nagkaroon ng pagmamalabis ang mga pulis dahil hindi magsisinungaling ang otopsiya.
Una nang tiniyak ni Acosta na murder ang isasampa nilang kaso laban sa tatlong pulis.
Kita ho sa mga sugat niya eh hindi naman kailangan ganun eh, pwede sa paa lang nila tirahin ‘yan.
Bakit ganito? At bakit nakarating sila doon sa estero?