Hindi sinipot ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang hearing ng senate blue ribbon committee sa mahigit anim na bilyong pisong halaga ng shabu na naipuslit sa bansa mula sa China.
Kasunod ito ng pahayag mula sa Pangulong Rodrigo Duterte na nagpasya na siyang palitan si Faeldon.
Sinabi ng Pangulo na hindi na niya kailangang tanggapin ang pagbibitiw sa puwesto ni Faeldon dahil otomatik na ito sa italaga nya sa customs si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Isidro Lapeña.
Una nang sinabi ng Pangulo na tatlong beses nag-alok na magbitiw sa pwesto si Faeldon subalit hindi nya ito tinanggap.