Nanganganib na sunod na suspindihin ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Grab dahil sa sobrang taas umanong maningil ng pamasahe ayon ito kay LTFRB Chairman Martin Delgra matapos silang makatanggap ng mga reklamo na tila sinasamantala ng Grab ang mataas na singil sa pamasahe matapos masuspindi ang kalabang Uber.
Sinabi ni Delgra na mino-monitor na nila ang Grab dahil sa ipinatutupad na price surge o sobrang taas ng pamasahe lalo kapag traffic, malakas ang ulan o kaya naman ay kapag oras na ng labasan sa mga opisina at mga eskuwelahan.
Pinagsabihan na aniya nila ang GGrab na sundin ang inaprubahang price cap noong December 27 kung saan hindi dapat lumampas sa doble ang halaga ng basic fare na sisingilin sa kanilang mga pasahero.
Binalaan ni Delgra ang Grab na sasapitin ang parusang ibinigay sa Uber kapag hindi natigil ang mga reklamo laban sa mataas na pamasahe.
By Judith Larino / (Ulat ni Aileen Taliping)
SMW: RPE