Ipinagpaliban ng house committee on appropriations ang kanilang pagdinig sa budget ng COMELEC o Commission on Elections para sa 2018, ngayong araw.
Ito ay matapos mabigong makadalo si COMELEC Chairman Andy Bautista sa budget hearing dahil kailangan umano nitong makipagpulong sa guidance councilor sa eskwelahan ng mga anak.
Humingi naman ng paumanhin si Commissioner Arthur Lim sa hindi pagdalo ni Bautista at nakiusap na hayaan na lamang sila ni Commissioner Al Parreno ang magpresenta ng proposed budget ng COMELEC.
Hindi naman ito pinagbigyan ng komite at muling itinakda ang budget hearing bukas.
Ayon kay house committee on appropriations Chairman Karlo Nograles, bibigyan pa nila ng pagkakataon si Bautista na makadalo sa pagdinig kung ayaw nitong maperwisyo.