Seryoso ang liderato ng Senado na i-repeal o ibasura na ang Bank Secrecy Law na umiiral sa bansa.
Ayon kay Senate Committee on Banks and Financial Institutions Chairman Senator Franciz ‘Chiz’ Escudero, Pilipinas na lamang at Lebanon ang dalawang bansa na may umiiral na batas may kinalaman sa bank secrecy.
Malaking hadlang umano ang nasabing batas lalo na sa imbestigasyon ng sa mga opisyal ng pamahalaan na may kasong kinakaharap tulad ng katiwalian.
Suportado naman ni Senator Franklin Drilon ang panukala bagaman iginiit nito na tutol siya sa pagbasura ng batas kung gagamitin ang pag-repeal nito sa political harassment.
Samantala, sa ginawang pagdinig ng komite, ipapatawag si COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista upang siya mismo ang magbigay linaw hinggil sa umano’y multi-million peso deposits ng kanilang pamilya sa mga deposito nito sa Luzon Development Bank.
By Meann Tanbio
SMW: RPE