Nabawi na ng militar ang ilang mga mosque sa Marawi City na pinagkutaan ng mga miyembro ng Maute terror group.
Ayon sa militar, napipilitan na ang mga terorista na lisanin ang mga pinagkukutaang mosque dahil sa patuloy na operasyon ng tropa ng pamahalaan.
Sinabi naman ni Joint Task Force Ranao Commander Col. Romeo Brawner, na kanila na ring sinimulan ang paglilinis sa mga nabawing mosque bilang pagrespeto sa lugar dasalan ng mga Muslim.
Maingat rin aniya ang mga tropa ng pamahalaan sa kanilang isinasawang mga clearing operations dahil marami pang hawak na bihag ang mga terorista.
Matatandaang kahapon ay inanunsyo rin ni Brawner na kanila nang nabawi ang Marawi City Police Station na unang kinubkob ng Maute terror group noong Mayo.
By Krista de Dios