Kinumpirma ng DA o Department of Agriculture na maaaring maipasa sa tao ang avian influenza virus na tumama sa mga manok at iba pang ibon sa lalawigan ng Pampanga at Nueva Ecija.
Ito ay makaraang lumabas ang resulta ng pagsusuri ng animal health laboratory sa Australia kung saan tinukoy ang strain bilang H5-N6.
Ayon sa pinuno ng Animal Disease Control Section ng Bureau of Animal Industry na si Arlene Vytiaco, positibong subtype N-6 strain ang bird flu virus na tumama sa bansa at maaaring mailipat sa tao.
Gayunman, paliwanag ng DA, hindi nakamamatay ang N-5 strain bukod pa sa mababa at mabagal ang transmission rate nito sa tao.
Inihalimbawa pa ng DA ang mga bansang Japan at Myanmar na unang tinamaan ng H5-N6 virus subalit wala pang naitatalang human infections o transmission.