Binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang bagong sama ng panahon na posibleng pumasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility sa susunod na linggo.
Ang bagyong Souledor ay tinatayang nasa layong halos 3,000 kilometro sa PAR
Ang nasabing sama ng panahon na tatawaging bagyong Hanna kapag pumasok sa bansa ay wala namang magiging direktang epekto sa lagay ng panahon.
Samantala, aktibo pa rin ang Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
Magdadala rin ito ng pag-ulan sa Palawan, Mindoro, Romblon at Sorsogon.
Ang Metro Manila ay makakaranas ng maganda at maaliwalas na panahon bagamat may mga pag-ulan sa hapon at gabi.
By Judith Larino