Itinanggi ng Malacañang ang ulat na nagtulos ng watawat ang China sa Sandy Cay malapit sa Kota Island na kontrolado ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, isang mapagkakatiwalaang source ang nagsabi sa kanya na walang anumang itinulos na bandila ng China sa nabanggit na teritoryo na bahagi ng Kalayaan Group of Islands.
Gayunman, kumpirmado anyang may presensya ng mga civilian ship sa nabanggit na lugar.
Una ng isiniwalat ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano isang Chinese flag ang itinayo sa pinag-aagawang sandbar.
By Drew Nacino
SMW: RPE