Aprubado na ng Kamara ang hirit na 6 Billion Peso budget ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang tanggapan sa susunod na taon.
Tumagal lamang ng tatlong minuto ang hearing ng House Committee on Appropriations sa pangunguna ng Chairman nitong si Davao City 1st District Rep. Karlo Nograles nang walang kumukwestyon sa pondo ng Office of the President.
Kumatawan naman sa Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea nang humarap sila sa pagdinig ng kumite.
Ipinaliwanag ni Nograles na ang mabilis na pag-apruba nila sa pondo ng Pangulo ay isa lamang manipestasyon ng kortesiya na ipinaaabot ng Kamara sa Pangulo.
By: Drew Nacino
SMW: RPE