Nanawagan si Senador Risa Hontiveros kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mag-inhibit sa pag-imbestiga sa pagkakapaslang ng binatilyong si Kian Loyd Delos Santos.
Ayon kay Hontiveros, batay sa mga naging pahayag ni Aguirre kahapon sa pagdinig ng senado ay nawalan na ito ng kredibilidad na mag-imbestiga sa kaso.
Nanawagan din si Hontiveros na itigil na ng DOJ o Department of Justice ang alok na isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang tatlong mga testigo sa pagpatay kay Kian.
Kasabay nito ay nagpasalamat si Hontiveros kina Senate President Koko Pimentel at Senador Panfilo Lacson matapos na magpasyang isailalim sa kustodiya ng senado ang tatlong testigo lalo’t may pagbabanta laban sa ito.