Nagtaas na ng alerto ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga rehiyong inaasahang maaapektuhan ng bagyong Jolina.
Kabilang dito, ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan ay sa Northern Luzon, Cordillera Administrative Region (CAR) at Central Luzon kasama na ang Bicol Region.
Ipinabatid ni Marasigan na ikinasa na rin ng national operations center ang blue alert para matiyak na nakahanda 24 oras ang kanilang mga tauhan sa gitna na rin nang paghahanda sa nasabing bagyo.
Nakatutok din aniya 24/7 at patuloy ang koordinasyon ng NDRRMC, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration PAGASA, DILG, DSWD, DOH, BFP, ARF, PNP at Philippine Coast Guard (PCG).