Tataas ang ratings ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas matapos itong iendorso ng Pangulong Benigno Aquino III bilang standard bearer ng LP o Liberal Party sa 2016 Presidential elections.
Ayon kay Albay Governor Joey Salceda, Provincial Chairman ng LP, tiyak na ang aniya’y ratings bounce o nomination’s kick kay Roxas.
Sinabi ni Salceda na matapos ang endorsement ni PNoy kay Roxas, kaagad na pag-iisahin ng mga miyembro ng ruling party ang kanilang puwersa para mapalakas pa ang kandidatura ng DILG Secretary.
By Judith Larino